Habambuhay sa carnappers
MANILA, Philippines - Upang mapigilan kundi man mabawasan ang carnapping sa bansa, isinulong ng mga mambabatas sa Kamara ang pagpataw ng habang buhay na parusa o reclusion perpetua sa mga carnappers.
Aamyendahan sana ng HB 6909 na naaprubahan sa ikalawang pagbasa subalit inaasahang hindi maisasabatas dahil sa kakulangan ng panahon, ang Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972.
Sa kasalukuyan, ang parusa para sa R.A. 6539 ay pagkabilanggo ng 14-30 taon.
Ang parusa na habangbuhay ay ipinapataw kapag ang may-ari, driver o sakay ng ninakaw sa sasakyan ay pinatay o ginahasa habang ginagawa ang krimen.
- Latest