^

Bansa

6 kinidnap ng NPA, laya na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos isang araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  noong Martes ng gabi ang anim na kinidnap sa pagsalakay sa security agency sa Tagum City, Davao del Norte.

Kinilala ang mga pinalayang bihag na sina Terencio  Laplana,  may-ari ng Dasia  Security Agency; Conception Laplana  at ang anak si Honey Marielly Laplana, 10; mekanikong si  Rene Aquilleno at ang dalawang security guard na sina Armando Niones at  Ryan  Hapitan.

Sa tala ng pulisya, ang mga biktima ay kinidnap matapos salakayin ang Dasia Security Agency sa ­Orange Valley Subdivision, Barangay South noong Lunes ng gabi.

Ayon kay P/Supt. Epe Rillo, hepe ng Tagum City PNP, ligtas nakabalik sa Dasia Security Agency ang mga biktima matapos sunduin nina  Macario Humol, bokal sa Compostela Valley at isang pari  ng Christ  the King na tinukoy sa apelyidong Fr. Arosa sa Brgy. Sangab, Maco, Compostela Valley.

Sinabi ng opisyal na  wala namang report na sinaktan ang mga biktima at wala rin umanong ransom na binayaran para sa kalayaan ng mga ito.

Naniniwala naman ang opisyal na posib­leng ginawa lamang human shield ng mga rebelde ang mga biktima laban sa tumutugis na puwersa ng pulisya at sundalo.

ARMANDO NIONES

BARANGAY SOUTH

COMPOSTELA VALLEY

CONCEPTION LAPLANA

DASIA SECURITY AGENCY

EPE RILLO

TAGUM CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with