Midterm polls hindi perpekto – Roxas
MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na hindi perpekto ang idinaos na midterm elections sa bansa.
Sinabi ni Roxas na mas maganda ang naging kalakaran ng pagpapatakbo ng halalan sa taong ito kumpara sa mga nagdaang eleksyon sa ilalim ng ibang adminisÂtrasyon na binalot ng dayaan at mga karahasan noong 2007 at 2010.
“Hindi namin sinasabi na perfect (midterm polls) may mga insidente pa rin ng karahasan pero malaki ang ibinaba,†ani Roxas sa pagtungo nito sa Camp Crame kahapon bunga ng mahigpit na seguridad na ipinatupad ng PNP at AFP na nangalaga sa kasagraduhan ng halalan.
Ayon kay Roxas, malinaw sa istatistika na mas tahimik at mapayapa ang idinaos na eleksyon kumpara sa mga nagdaang halalan.
Sinabi ng Kalihim na nabawasan din ang mga insidente ng karahasan, mga taong namatay at nasaktan nitong midterm elections kumpara noong national elections ng taong 2010.
Kasabay nito, pinapurihan ni Roxas ang 148,000 malakas na puwersa ng PNP na nangalaga sa seguridad at tumiyak na mahahalal ang tunay na ibinoto ng mga botante.
“Hindi nadiskaril ang ating halalan. At hindi ang mga kandidato ang nanalo kundi ang tao. I praise all of you for a job well done last Monday,†pahayag ng Kalihim.
Sa tala ng PNP, umaabot sa 90 Election Related Violence Incidents (ERVIs) ng naitala mula Enero 13 hanggang sa idaos ang halalan nitong Mayo 13 kumpara sa 135 insidente noong 2010 at 178 namang karahasan noong 2007.
- Latest