^

Bansa

Third party kailangan para gumitna sa Pinas at Taiwan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si Senator Gringo Honasan na kailangan ng hingin ang tulong ng “third party” para mamagitan  sa problemang kinakasangkutan ng Pilipinas at Taiwan na nag-ugat sa pagkakabaril sa isang mangingisdang Taiwanese kamakailan.

Ayon kay Honasan, maaaring makialam na ang Secretary General ng United Nations lalo pa’t kapwa mainit ang Pilipinas at Taiwan at nalagay sa panganib ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

“Dapat third party, mabuting ito ay pinakikialaman ng UN secretary general,” sabi ni Honasan.

Hindi rin naman aniya maaaring pumayag na lamang ang Pilipinas na may mga pumasok sa teritoryo nito at makialam sa mga likas na yaman ng bansa.

“Ang bottom line, sila ang pumunta sa teritoryo natin, ki­nuha nila ang ipapamana natin, ipapakain sa mamamayan, tayo yung may atraso?” ani Honasan.

Baka rin umano masyadong kinakawawa na ang Pilipinas lalo pa’t pinauwi na sa bansa ang personal na kinatawan ni Pangulong Benigno Aquino III sa Taiwan.

Dapat na rin aniyang maging malinaw ang national security policy at foreign policy ng bansa lalo na sa usapin tungkol sa pagpasok ng ibang dayuhan katulad ng mangingisdang Taiwanese.

 

AYON

DAPAT

HONASAN

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINAS

SECRETARY GENERAL

SENATOR GRINGO HONASAN

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with