^

Bansa

Tolentino dumipensa sa paglobo ng yaman

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agad na dumipensa si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis To­lentino kaugnay sa pag­lobo ng yaman nito base sa idineklarang 2012 Statement of Assets, Liabilities and Net (SALN).

Sinabi ni Tolentino na pareho lamang ang kan­yang kayamanan noong 2011 at 2012 pero ang naging pagkaka­iba lamang ay ang impro­ve­ments clause sa ba­gong panuntunan ng SALN. Ayon sa kanya, hindi naman nire-require sa lumang SALN form ang paglalagay sa mga impro­vements sa kanyang mga ari-arian na nailagay niya sa bagong SALN. 

Sa naglabasang ulat, si Tolentino ay may pinakamalaking pag-angat na yaman sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino base sa idineklarang SALN. 

Sa 2011 SALN, umaa­bot sa P22,540,381.52 ang naitalang kayamanan na umangat noong 2012 SALN na nasa P42, 773, 691. 02.  Mas mataas ito ng higit sa P20 milyon sa lumang deklarasyon.

Nanindigan si Tolen­tino na naging tapat siya sa pagdedeklara ng kayamanan. Sa kan­yang 2012 SALN, may asterisk umano dito na nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng kanyang deklarasyon noong 2011.

Wala umanong ka­to­tohanan na tatlong hiwalay na SALN ang kanyang isinumite.

Nanatili namang pi­na­­kamayaman sa mga gabinete si Foreign Af­fairs Secretary Albert del Rosario na may net worth na P705, 481,105.13 habang ang pina­­kamahirap na kali­him ay si Education Sec. Armin Luistro na may idineklarang ari-arian na nagkakahalaga ng P550,651.14.

ARMIN LUISTRO

EDUCATION SEC

FOREIGN AF

LIABILITIES AND NET

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN FRANCIS TO

PANGULONG AQUINO

SALN

SECRETARY ALBERT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with