^

Bansa

3 pang winning Senators iprinoklama

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong pang winning Senators ang iprinoklama ng Commission on Election (COMELEC) sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kagabi.

Ganap na alas-8:00 ng gabi iprinoklama ng COMELEC sina Bam Aquino na nasa ika-pitong puwesto, Koko Pimentel, pang-walong puwesto at Antonio Trillanes IV na nasa ika-siyam na puwesto na pawang nasa administration party team PNoy. Hindi nakarating si Trillanes dahil out-of-town ito at si Pimentel dahil masama ang pakiramdam.

Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, sa oras na makumpleto ang ginagawa nilang canvassing of votes mula sa iba’t-ibang polling precincts sa bansa ay isusunod nila ng proklamasyon sa natitirang pang tatlong nanalong senador sa nakalipas na midterm election.

Umaasa si Brillantes na ngayon araw na ito ay maipoproklama na rin nila ang tatlong pang natitirang senador na pumasok sa Magic 12 sa nakalipas na halalan.

Unang iprinoklama ng COMELEC sina  Grace Poe, Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Nancy Binay at Sonny Angara.

Hindi sinipot ni Binay ang proklamasyon dahil hindi pa umano tapos ang lahat ng ginagawang bilangan, bukod pa ang protesta ng kanyang partido na United Nationalist Alliance (UNA).

Samantala, iginiit naman ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na ‘illegal’ umano ang ginagawang proklamasyon ng COMELEC dahil ilang porsiyento pa lamang ng mga Election Returns (ER) ang kanilang nabibilang.

 

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

BAM AQUINO

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

ELECTION RETURNS

FRANCIS ESCUDERO

GRACE POE

KOKO PIMENTEL

LOREN LEGARDA

NANCY BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with