^

Bansa

‘Pader’ sa pulitika pinataob ni Acosta

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinataob at gumuhit ng kasaysayan sa pulitika ang bata at baguhang pulitiko na si Malou Acosta makaraang manalo bilang bagong Congresswoman at talunin nito ang itinutu­ring na ‘pader’ beterano at higanteng kandidato sa Bukidnon sa katatapos 2013 mid-term elections.

Tinibag sa puwesto ni Acosta ang mahigpit niyang katunggali na si incumbent Congressman Jesus Paras.

Si Acosta ay nakababatang kapatid ni Laguna Lake Development Authority General Manager at Secretary for Environmental Protection Nereus  “Neric” Acosta.

Nakapagtala si Acosta ng kabuuang 50,163 votes at lumamang ito ng mahi­git labing isang libong boto kay Paras. Taos-pusong nagpapasalamat si Acosta sa lahat ng kanyang mga tagasuporta at sa lahat ng mga nagdala sa kanya sa tagumpay.

“Ang pagtitiwala ring ito ang magbibigay sa akin ng inspirasyon para manindigan at magsulong ng mga progra­mang makatotohanan at tunay na naglilingkod sa sambayanan,” ayon kay Acosta.

Nagpaabot din ng pa­sasalamat si Acosta kay Paras na maagang nag-concede at nagpahayag ng kanyang pagtanggap sa resulta ng eleksyon.

Bilang bagong kinatawan sa Kongreso, plano naman ni Acosta na bigyan ng prayoridad ang kalikasan, kabataan at kababaihan.

 

ACOSTA

BILANG

BUKIDNON

CONGRESSMAN JESUS PARAS

ENVIRONMENTAL PROTECTION NEREUS

KONGRESO

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY GENERAL MANAGER

MALOU ACOSTA

SI ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with