^

Bansa

ERVIs lumobo sa 90 –PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumobo sa 90 insidente ng Election Related Violence Incidents (ERVIs) ang naganap sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaugnay ng ginanap na midterm elections, ayon sa opisyal ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

 Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., mula Enero hanggang Mayo 13, araw ng elek­syon sa taong ito ay nakapagtala ang PNP ng 90 insidente ng karahasang dulot ng mahigpit na labanan sa pulitika na ikinasawi ng 52 katao habang 73 pa ang nasugatan at nasa 40 ang nakaligtas.

 Sa naitalang 90 insidente ng karaha­san, kabilang dito ay pamamaril, ambush, pagpapasabog, paghahagis ng granada, ha­rassment  at iba pa.

Inihayag ni Cerbo na magpapatuloy ang checkpoint operations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaugnay ng umiiral pang gunban na tatagal hanggang Hunyo 13.

Sa tala ng PNP, uma­­abot na sa 3,301 ang nasakote sa paglabag sa gun ban na karamihan ay mga sibilyan na nagresulta rin sa pagkakasamsam sa 3,208 mga armas umpisa.

Samantala, pinabalik na ng PNP ang nasa 30,000 puwersa ng pulisya na nagsilbing augmentation force sa eleksyon na idineploy sa 15 high risk provinces na idineklara ng Comelec .

CERBO

COMELEC

ELECTION RELATED VIOLENCE INCIDENTS

ENERO

GENEROSO CERBO JR.

HUNYO

INIHAYAG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPOKESMAN CHIEF SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with