^

Bansa

Dirty tactics kinondena ni Mayor Lani

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng kampo ni Mayor Lani Caye­tano ang “dirty tactics” na inilunsad ng grupo ni Kilusang Diwa ng Taguig (KDT) mayoral candidate Rica Tinga sa kagustuhan nitong ilagay sa alanganin ang kredibilidad ng lokal na eleksyon sa Taguig. Ayon kay Nacionalista Party-Taguig legal counsel Atty. Lyle Niño Pasco, sina Tinga ay nagpapalabas ng mga maling impormasyon sa media ukol sa katatapos na eleksyon upang magkaroon ng basehan ang plano nilang maantala ang proklamasyon at kuwestyunin ang resulta ng boto ng mga Taguigeño.

“Pilit nilang pinapaniwala ang mga tao na walang kredibilidad ang katatapos na eleksyon upang idiskaril ang panalo ni Mayor Lani,” dagdag pa nito.

Sinabi ng NP-Taguig legal counsel na isa na namang “black ops” ang isinasagawa ng kampo ni Tinga sa pagkakalat nito ng kasinungalingan tungkol sa kaguluhan umano sa Maharlika Village at pinapalabas pa nito na nagpakalat si Mayor Lani ng “pre-shaded” na balota sa Signal Village Elementary School.

“Sila ang desperadong mandaya. Hindi istilo ni Mayor Lani ang pandaraya. At nakikita naman natin na sobrang laki ng kalamangan ni Mayor Lani kay Rica Tinga kaya sino ang mas may motibong mandaya?” sabi pa ni Pasco.

Samantala, nag-aalala naman si Pasco sa maaaring epekto ng “dirty tricks” sa imahe ng Taguig na pinaghirapang pagandahin ng Cayetano administration at gawing bagong sentro ng kalakalan sa Metro Manila.

“Kung mahal talaga ni Rica Tinga ang Taguig, dapat tigilan na niya ang kanyang mga dirty tactic at tanggapin ang pagkatalo kay Mayor Lani dahil imahe ng lungsod ang maaapektuhan,” sabi ni Pasco.

vuukle comment

KILUSANG DIWA

LYLE NI

MAHARLIKA VILLAGE

MAYOR LANI

MAYOR LANI CAYE

PASCO

RICA TINGA

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with