^

Bansa

300 PCOS machine tumirik!

Mer Layson at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa 300 Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine ay sinasabing tumirik, nagkapro­blema at hindi nagamit ang iba habang isinasagawa ang halalan kahapon.

Ayon kay Cezar Flores, tagapagsalita ng Smartmatic, kung ikukumpara noong 2010 election ay mas konti ngayon ang nagkaroon ng pagpalya ng mga PCOS machine.

Ani Flores, base sa kanilang rekord ay may kabuuang 400 ng PCOS machine ang tumirik noong 2010 election habang ngayong 2013 ay tinatayang aabot lamang sa 200 hanggang 300 ang pumalya na hindi naman nakaapekto sa ginanap na halalan.

Sinabi ni Flores, may kabuuang silang 77,000 na PCOS machine na nakakalat sa buong bansa, bukod pa ang 2,000 PCOS na on-standby.

Samantala, sinabi naman ni COMELEC deputy executive director for operations Teopisto Elnas Jr., na 96 clustered precincts na nasa  Metro Manila, Zamboanga City at Zamboanga del Norte ang kanilang naitala na pumalya ang mga PCOS machine.

Kabilang sa ilang problema sa mga PCOS machines ay ayaw tumanggap ng balota, mayroon ring biglang nag-shutdown, ang iba ay hindi gumana, may mga nag-jam at may mga nawawalang CF cards.

vuukle comment

AABOT

ANI FLORES

AYON

CEZAR FLORES

METRO MANILA

PCOS

PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN

TEOPISTO ELNAS JR.

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with