^

Bansa

SB, nakaboto sa loob lamang ng 5 minuto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na tumatakbo para sa kanyang ikalawang termino bilang representante ng 4th district ng QC  sa mga maagang nakaboto sa loob lamang ng 5-minuto  kahapon.

Si Belmonte ay bumoto sa  Christ the King Seminary covered court sa  QC na kinapapalooban ng mga barangay sa E Rodriguez sa nabanggit na lunsod.

“Very efficient, compared to last time,” pahayag ni SB.

Ang mambabatas ay dumating sa naturang presinto ng alas-9:00 ng umaga, may mangilangilan pa lamang na residente ang noo’y bumoboto.

Katunggali ni Belmonte  sa pagka Kongresista sa 4th district ng QC  ang isang Hans Palacios ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Kaugnay nito, malaki naman ang paniwala ni SB na mamamayagpag ang  Liberal Party sa anim na distrito ng lunsod para sa mayoral at vice mayoral positions sa QC.

Sina incumbent mayoral bet Mayor Herbert Bautista at Vice Mayoral bet  Joy Belmonte ang muling tumatakbo sa lunsod sa ilalim ng Liberal party ng Team PNoy.

vuukle comment

CHRIST THE KING SEMINARY

E RODRIGUEZ

HANS PALACIOS

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

JOY BELMONTE

LIBERAL PARTY

MASANG PILIPINO

MAYOR HERBERT BAUTISTA

SI BELMONTE

VICE MAYORAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with