Sec. Mamba, nakaligtas sa ambush
MANILA, Philippines - Nakaligtas sa ambush si Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Sec. Manuel Mamba makaraang pagbabarilin ang convoy nito kahapon sa highway ng Alcala, Cagayan.
Ayon naman kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, nasa ligtas na kalagayan si Sec. Mamba at wala namang tama sa ginawang panaÂnambang sa convoy nito bandang alas-3:00 ng hapon kahapon sa Alcala, Cagayan.
“He’s fine, I just spoke to him,†paniniguro ni Sec. Carandang kaugnay sa kalagayan ni Sec. Mamba matapos makaligtas ito sa ambush.
Aniya, ang kalihim ay nasa Tuguerarao, Cagayan at nagpapahinga habang inaalam pa ng pulisya ang pangyayari upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pananambang kay Mamba.
Nasa 18 tama ang tinamo ng sasakyan ng lead car sa convoy ni Mamba habang ang PLLO chief naman ay nakasakay sa bullet-proof na sasakyan na pag-aari ng kanyang kapatid na si Willian na tumatakbong gobernador ng Cagayan sa ilalim ng Liberal Party.
Ang kalaban ng kapatid ni Mamba ay si Cagayan Gov. Alvaro Antonio ng United Nationalist Alliance (UNA). Si Gov. Antonio ang pambato ni Senate President Juan Ponce Enrile bilang gobernador ng Cagayan habang ang kapatid ni Sec. Mamba ay 3-termer mayor ng Tuao town.
- Latest