^

Bansa

Bong Revilla vs PNP!: Mansion pinalibutan…

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghari ang tensyon nang palibutan ng mga operatiba ng Cavite Police ang mansion ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Bacoor City makaraang umano’y magtago rito ang mga armadong kalalakihan na hinahabol ng mga awtoridad.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., nakatanggap ang pulisya ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga armadong lalaki sa mansion na pag-aari ni Sen. Revilla sa #77 Trece Martirez St., Justinville Subdivision, Brgy. Panapaan ng lungsod.

Sinabi ni Cerbo na nag-apply ng search warrant ang pulisya sa limang behikulo na may plate numbers XTD-628, XEE-253, XCZ-957, WTK-503, at Toyota Vios na kulay pula na may  conduction sticker TL-8227.  Ang nasabing mga behikulo ay naglalaman umano ng matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng Galil, Uzi at mga M16 rifles.

Pero nang buksan ang mga sasakyan dahil ang presensiya ni prosecutor Manny Velasco ay nakita ang 3 AK-47, isang M-16 armalite,  2 cal. 45 at 1 caliber 7.62 na pawang mga fully loaded ng mga bala.

Sa skype teleconfence sa PNP National Task Force SAFE (Secured and Fair Elections) sinabi ni Supt. Rommel Casanova Escolan, Spokesman ng Cavite Police, anim na kalalakihan ang inaresto na kinilalang sina  Honor  Santos,  Epifanio  Baria,  Rosaurio Estardo, Rizalos  Ronario  at  Danilo Cruz, habang ang isa ay organic member ng NBI na nakilalang si Frederick  Galvez.

Ang mga armadong kalalakihan ay pawang nakasuot ng vests na may markings ng NBI, NAPOLCOM at Kabayan Bikers na nakaposisyon umano sa loob ng compound ng mga Revilla.

Nang magresponde ang mga elemento ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) upang iberipika ang ulat ay hinarang umano ang mga ito ng mga armadong lalaki kaya nagkaroon ng tension at standoff sa compound ng mga Revilla.

Tumawag ng reinforcements ang mga RPSB personnel upang makipagnegosasyon sa mga armadong lalaki pero sinabi ni Sen. Revilla na hiniling niya sa NBI ang presensya ng mga ito dahil kumakampi umano sa kalabang pulitiko ang mga pulis sa Cavite, pero wala namang maipakitang mission order mula sa NBI.

Si Sen. Revilla ay Chairman ng Lakas-CMD habang ang anak naman nitong si Jolo ay running mate ni incumbent Gov. Jonvic Remulla na kalaban ni Cavite 3rd District Rep. Ayong Maliksi at ang running mate naman ay si Ronald Jay Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson na  pawang kandidato ng administrasyon.

Sa presscon na isinagawa sa bahay ni Sen. Revilla ay sinabi nito na harassment lamang umano sa kanila ang ginawa ng PNP.

 

AYONG MALIKSI

BACOOR CITY

CAVITE

CAVITE POLICE

DANILO CRUZ

DISTRICT REP

GENEROSO CERBO JR.

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with