4 Pinoy UN peacekeepers, pinalaya na ng Syrian rebels
MANILA, Philippines - Matapos ang limang araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga rebeldeng Syrian ang apat na Pinoy peacekeepers sa Golan Heights, border ng Israel at Syria.
Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa ulat ng United Nations ang pagpapalaya sa apat na sundalong Pinoy na miÂyembro ng United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF) na nakabase sa Golan Heights, Camp Ziuoani.
Ayon sa DFA, nasa maayos nang kalagayan ang apat at dinala na sila sa UNDOF para sa medical check-up at stress debriefing.
Nagpasalamat naman ang pamahalaan sa UniÂted Nations at sa lahat ng nagpakahirap at nagbigay ng kontribusyon para sa ligtas na paglaya ng apat na Pinoy UN peacekeepers.
Kasabay nito nanawagan ang Pilipinas sa pamamagitan ng DFA sa lahat ng partido na igalang ang “freedom of movement, safety and security†ng lahat ng peacekeepers ng UNDOF tulad ng pagbibigay ng immunity sa mga diplomats sa buong mundo alinsunod sa international law.
Magugunita na noong Mayo 7, 2013 ay tinangay ng mga armadong Syrian na nagpakilalang Yarmouk Martyrs Brigade ang apat na Pinoy observers habang nagsasagawa ng misyon sa Al Jamlah sa border ng Syria.
- Latest