Seguridad sa ‘Miting’ sa Taguig pinaigting
MANILA, Philippines - Mahigpit na seguridad ang ipapatupad ng puÂlisya sa gaganaping MiÂting De Avance ng magkalabang political party sa Taguig.
Sinabi ni Taguig Police Chief Sr. SuperinÂtendent Arthur Felix Asis na magtatalaga sila ng sapat na mga pulisya para matiyak na walang mangyayaring gulo sa miting de avance.
Hinihikayat din ni Asis ang mga partido pulitikal na bantayan at gawing responsable ang kanilang hanay.
Kaugnay nito ay nagbabala si Asis sa mga nais manggulo na huwag na nilang ituloy ang kanilang mga balakin.
Magugunitang matapos ang kaguluhan noÂong Sabado sa pagitan ng mga supporter ni Mayor Lani Cayetano at Rica Tinga ay hiniling ng huli sa Commission on Elections na isailalim ang lungsod bilang area of concern subalit kinontra ito ng Philippine NaÂtional Police at maging ng MaÂlakanyang.
Kahapon sa dayalogo na pinamunuan ng Parish Pastoral council for Responsible Voting o PPCRV para sana magkaayos ang magkatunggaling partido sa Taguig, hindi sumipot sina Rica Tinga at mga kaalyado.
Ang tanging dumating ay ang kampo ni Mayor Cayetano na nagbigay ng commitment na susuporta sa mapayapa at malinis na eleksyon.
Inihayag din ng alkalde ang kanyang pag-asa na wala ng magaganap na katulad na insidente.
Idinagdag pa ni Mayor Lani na siya’y nalungkot sa di-pagdalo ng kampo ng mga Tinga sa dayalogo, katulad ng di-pagsipot nito sa peace co venant.
- Latest