Patutsada ng UNA huwag paniwalaan –Kaya Natin
MANILA, Philippines - Sinabi ng Kaya Natin, pribadong samahan na nagbabandila ng Mabuting Pamahalaan at reporma sa pampublikong sektor, hindi na dapat paniwalaan ang “mga patutsada at ingay†ng United Nationalist Alliance (UNA) sa huling linggo ng kampanya para sa Eleksyon 2013.
Ito ay matapos ianunsiyo ni dating Quezon City 3rd District Congressman Matias Defensor ang pangunguna nito sa local mock elections ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa ilang barangay ng distrito noong Mayo 1, kasabay ng pagkalat ng mga polyeto at poster na tumutuligsa sa umano’y vote-buying ng kanyang katunggali na si Rep. Jorge “Bolet†Banal, para sa mga kandidato ng Partido Liberal at Team PNoy.
Una rito, inurong ni Danilo Florano, isa sa dalawang nagreklamo sa Commission on Elections (COMELEC) laban kay Banal, ang pahayag nito na sangkot nga ang kinatawan sa vote buying. Sa kanyang affidavit ng pag-urong, inamin ni Florano na “nilansi†siya ng anak ni Defensor upang idiin si Banal sa reklamo.
Ayon kay Federick Angeles, Campaign Director ng Team Banal, sinamantala ni Defensor ang dapat sana ay kapaki-pakinabang na ehersisyo ng malinis at tapat na eleksyon ng PPCRV.
- Latest