Diskwento sa pagkain hiling sa DTI Nagugutom na batang Pinoy dumarami
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkadismaya si Cagayan Rep. at United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile sa patuloy na pagdami ng mga batang Pilipino sa buong bansa na nagugutom o walang makain.
Ginawa ni Enrile ang pahayag kasunod ng bagong datos na ipinalabas ng National StatisÂtical Coordination Board hinggil sa insidente ng kahirapan sa Pilipinas na taliwas naman sa sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon naman sa Akap Bata partylist na isang children’s advocacy group, 12.4 milyong bata sa buong Pilipinas ang itinutuÂring na wala halos makain o food poor bukod pa ito sa limang milyong child laborer at dalawang milyong street children sa bansa. Pinuna ni Enrile na sobrang napakalaki ng biÂlang na ito at nakakalungkot.
Aniya, walang kahuÂlugan ang ipinagmamaÂlaki ng pamahalaan na paglago ng ekonomiya sa mga mahihirap na “kumakalam†ang sikmura.
Hinimok din ni Enrile ang Department of Trade and Industry (DTI) na dagdagan pa ang ka nilang nationwide “Diskwento Caravan†ng mas maraming food products na affordable o abot-kaya sa masang Pilipino.

Ang naturang caravan na nag-iikot sa mga lungsod at mga muniÂsipalidad sa bansa ay nilalahukan ng mga manufacturer ng mga items tulad ng generic medicine, tinapay, sardinas, mantika, processed meat, prutas, gulay, sabon at mga school supplies.

Ayon kay Enrile, ang Diskwento Caravan ay maÂlaking tulong sa mga consumer na kakaunti laÂmang ang budget kaÂya’t magandang ideya aniya kung ang naturang proyekto ay regular nang isasagawa sa buong taon.
Isinusulong ni Enrile ang Food Master Plan na nakasaad sa House Bill 4626 o ang Food for Filipinos, na siyang unang panukala na inihain niya sa Kongreso.
- Latest