Reward vs Mancao pinag-aaralan na
MANILA, Philippines - Ipinahiwatig kahapon ng Malacañang na si Department of Justice Secretary Leila de Lima ang dapat magdesisyon kung magpapalabas ng pabuya sa sinumang makakahuli kay dating Police Sr. Supt. Cesar Mancao.
Hindi pa nakatitiyak kahapon si Secretary Edwin Lacierda kung nag-alok na ng pabuya si de Lima sa sinumang makakadakip kay Mancao.
Tumanggi ring magkomento si Lacierda sa ginagawang operasyon ng pulisya laban kay Mancao lalo pa’t halos kabi-kabila ang pagpapa-interview nito sa media.
Pero tiniyak ni Lacierda na may ginagawang operasyon ang mga awtoridad para muling mahuli si Mancao.
Hindi rin aniya dapat ituring agad na dagok sa PNP ang mga ginagawang pagpapa-interview ni Mancao sa media.
- Latest

























