Tiklo sa gun ban lolobo sa 3,000
MANILA, Philippines - Umaabot na sa halos 3,000 ang naitala ng Philippine National Police na lumabag sa Comelec gun ban, walong araw bago ganapin ang midterm elections sa bansa.
Sa tala ng Task Force SAFE (Secured and Fair Elections) 2013, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., simula ng ipatupad ang gun ban noong Enero 13 ay nasa 2, 929 na ang mga naaresto sa serye ng checkpoint at on-the-spot inspections ng mga awtoridad.
Nangunguna pa rin sa paglabag sa gun ban ang mga sibilyan na umaabot na sa 2,701 habang nasa 2,877 naman ang mga armas na nasamsam.
Pumangalawa ang mga security guards na 128; 37 ang pulis, 20 ang AFP, 35 ang mga opisyal ng gobyerno at iba pa.
Nakasamsam rin ng 24,005 mga bala, 496 eksplosibo, 904 patalim, 145 gun replicas at 177 granada.
- Latest

















