^

Bansa

Increase sa budget ng PUP itutulak ni Bro. Eddie

Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Lumagda sa isang covenant si Bangon Pilipinas lone senatorial candidate Bro.Eddie Villanueva upang ipaglaban ang pagtaas ng budget ng mga state universities tulad ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa P2 bilyon.

Ang pagbisita ni Villanueva sa nasabing unibersidad na kung saan naging panauhing pandangal siya sa Nemesio Prudente Lecture Series ay kanyang tinalakay ang mga napapanahong isyu na kinakaharap ng bansa sa sector ng edukasyon.

Si Villanueva ay nagtapos ng commerce sa Philippine College of Commerce, na kalaunan ay naging PUP. Na­ging guro din siya dito at isa sa pinakamatagal na naupo bilang miyembro ng PUP Board of Regents.

Ayon kay Villanue­va, ang sistema ng edu­kasyon sa bansa ay ma­salimuot kaya’t ang may pera lang ang may kakayahan na makapag-aral at ang mahihirap ay hindi na makapag-aral dahil sa mababang binibigay na budget sa mga state universities. Kaya’t kapag naupo sa Senado ay kanyang itutulak ang pagtataas ng budget.

Batay sa datos mula sa World Bank ay ipinapakita na ang Pilipinas ay hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang halaga ng edukasyon dahil sa hindi pagbibigay ng malaking budget ng gobyerno na kabaligtaran sa kapitbahay na mga bansa.

Maging ang average teacher-student ratio sa mga public schools ay 1:40 gayung ang mga guro ang siyang pinakamaraming  nagtatrabaho sa gobyerno.

Upang ang lahat ay makapag-aral na siyang daan para sa pag-unlad ng isang bansa ay ipanunukala ni Villanueva ang libreng college education sa mga karapat-dapat na mag-aaral upang ang mga  technological colleges ay makalikha ng top-caliber graduates sa IT at agriculture.

BANGON PILIPINAS

BOARD OF REGENTS

EDDIE VILLANUEVA

NEMESIO PRUDENTE LECTURE SERIES

PHILIPPINE COLLEGE OF COMMERCE

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SI VILLANUEVA

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with