7 senador naglabas ng SALN
MANILA, Philippines - Pito sa 23 senador ang nagkusang ilabas sa media ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) para sa taong 2012.
Ang mga ito’y sina Senators Antonio Trillanes IV, Francis “Chiz†Escudero, Ramon “Bong†Revilla Jr., Panfilo Lacson, Teofisto Guingona, Ferdinand “Bongbong†Marcos Jr., at Sergio Osmeña Jr.
Noon pang April 30 ang deadline para sa pagsusumite ng SALN ng mga nanunungkulan sa gobyerno pero sa ikalawa hanggang sa ikatlong linggo pa ng Mayo o pagkatapos ng halalan balak ilabas ng Office of the Senate Secretary ang kopya ng SALN ng mga senador kahit marami ng miyembro ng media sa Senado ang nag-request nito.
Sa pitong senador, si Marcos ang lumalabas na pinaka-mayaman na nagdeklara ng P437.24M asset noong 2012, higit na mas mataas sa kanyang dating kayamanan na P364.39M noong 2011.
Ipinaliwanag ni Marcos na tumaas ng P73 milyon ang kanyang networth dahil sa ilang mga pagbabago sa SALN matapos ang impeachment trial kay daÂting Chief Justice Renato Corona, kung saan isinama na ang acquisition cost ng ibat-ibang properties at mga real estate investment kahit wala pa itong titulo o kahit under construction pa.
Sumunod si Revilla na may P169.24M assets noong 2012 mula sa dating P147.22M; Osmeña, P105.47M assets; Guingona, P43M; Lacson, P28.86; Trillanes, P4.43M at Escudero na ang P9.8M assets ay naging P4.02M matapos ipamana sa kanyang dalawang anak ang ilang ari-arian bilang bahagi ng annulment ng kanyang kasal sa dating asawa.
- Latest
- Trending