^

Bansa

4 Pinoy pinalaya ng mga pirata

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga piratang Somali ang apat na tripulanteng Pinoy matapos ang mahigit dalawang taong pagkakabihag sa Arabian Sea.

Ayon DFA, nasa ma­ayos nang kalagayan ang apat na Pinoy na kabilang sa anim na crew ng Leopard na hinayjack ng mga pirata noong Enero 12, 2011 habang naglalayag sa Arabian Sea na nasa pagitan ng Yemen at Somalia.

Unang kinumpirma ng Danish Ministry of Fo­reign Affairs na lumabas sa online news ang pagpapalaya sa mga bihag kabilang ang dalawang Danish nationals.

Hindi naman kinumpirma ng DFA ang report na nagbigay ng ransom ang shipping company na Shipcraft, ang may-ari ng MV Leopard kapalit ng kalayaan ng apat na Pinoy at dalawang Danes.

Una umanong nanghingi ng $5 milyong ransom ang mga armadong pirata kung saan nagpa­labas pa noon ng mga video clips sa YouTube na nagpapakita sa isang Danish crew hostage na humihingi at nananawagan ng tulong sa Danish government upang sila ay mapalaya. 

Inaasahan na maka­kabalik sa kani-kanilang pamilya ang mga pinala­yang hostages matapos na impormahan ang mga ito hinggil sa nasabing ma­gandang balita.

 

ARABIAN SEA

AYON

DANISH MINISTRY OF FO

ENERO

INAASAHAN

PINALAYA

PINOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with