^

Bansa

Proyekto sa Cavite gagawing makatotohanan ni Maliksi

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magiging makatotohanan na at hindi puro pantasya lamang ang mga proyekto sa  lalawigan ng Cavite para sa pag-unlad ng ekonomiya dito.

Ayon kay Cavite Rep. Erineo “Ayong” Maliksi, na tumatakbong gobernador at Ronald Jay Lacson na vice-gubernatorial candidate ng lalawigan na sa pagratsada ng Liberal Party (LP) sa Cavite  ay magkakaroon ng totoong paglago ng ekonomiya at hindi puro pantasya at pangako.

Sa pahayag ng mambabatas mula sa ikatlong distrito ng lalawigan, kabilang umano sa proyektong nakalatag na sa  Cavite ay ang P60 bilyon Light Rail Transit (LRT) Line 1 na magdudugtong sa Baclaran patungong Bacoor, Cavite.

Ayon naman kay Lacson, Inaasahang matatapos umano ang proyekto sa taong 2015 kung saan inaasahang 2,500 na pasahero ang maseserbisyuhan nito araw-araw at magbubukas din ng kalakalan sa pagitan ng mga tao sa Metro Manila at mga dayuhang turista gayundin madaling mapapasyalan ang historic capital ng bansa.

Giit nina Maliksi at Lacson, nakakalungkot man isipin ay nakilala  rin ang kanilang lalawigan sa mga showbiz personalities at celebrities na nagpapaniwala sa mga pantasya na kanilang ginagampanan sa pelikula subalit hindi naman nakakatulong para i-promote ang historic glory ng Cavite gayundin hindi rin umano  nakapagbukas ng magagandang daan at transport system ang mga ito.

Subalit ngayon ay nag-anunsiyo na umano mismo ang Pangulong Aquino sa ginanap na proclamation rally sa Cavite kamakailan ng iba pang multi billion infrastracture projects sa Cavite kabilang na dito ang Bangkal-GMA bridge sa Dasmariñas, widening ng Governors drive sa Trece Martires at Daang Hari-SLEX Link Road na nagkokonekta sa Bacoor at SLEX.

Bubuksan na rin umano ang P860 milyon tourism road mula Ternate, Cavite patungong Nasugbu,Batangas na magko-konekta naman sa mga resorts sa Nasugbu at magbabawas ng apat na oras na biyahe mula Maynila patungong Nasugbu via Tagaytay.

 

vuukle comment

AYON

BACOOR

CAVITE

CAVITE REP

DAANG HARI

LACSON

LIBERAL PARTY

LIGHT RAIL TRANSIT

LINK ROAD

NASUGBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with