^

Bansa

2 missile launchers inilarga ng Nokor

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilipat na ng North Korea ang kanilang dalawang short range missile launchers na indikasyon na posibleng ituloy na ang kanilang naudlot na missile test sa east coast ng Nokor laban sa South Korea at mga kaalyado nitong bansa.

Sa report kahapon ng South Korea news agency, naispatan ng satellite imagery ang paggalaw ng Nokor forces at ang paglipat ng kanilang mobile missile launchers para sa short-range Scud missiles sa katimugang bahagi ng Hamgyeong province.

Dahil dito, matinding pagmomonitor ang ginagawa ng South Korea, United States at Japan authorities bilang paghahanda sa anumang missile launch ng Nokor.

Nauna rito, dalawa pang mi-range Musudan untested missiles at pitong mobile launcher ang ipinorma ng Nokor sa nasabi ring lugar.

Bagaman hindi nagpakawala ang Nokor ng kanilang missile noong Abril 10-15 malaki ang paniwala ng Sokor na magpapakita ng puwersa ang Nokor para sa nalalapit na anibersaryo ng pagkakatatag ng Nokor Army sa Abril 25.

ABRIL

BAGAMAN

DAHIL

HAMGYEONG

INILIPAT

NOKOR

NOKOR ARMY

NORTH KOREA

SOUTH KOREA

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with