^

Bansa

Brillantes ‘wag kang mag-resign - PNoy

Rudy Andal at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi tatanggapin ni Pangulong Aquino ang pagbibitiw ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa halip ay pakikiusapan niya ito na manatili sa kanyang posisyon.

Sa panayam sa Pa­ngulo na nasa Lapu-Lapu City para samahan ang Team PNoy senatorial candidates at LP local candidates, sinabi nto na less than a month na lang eleksyon na at mahirap ng magtalaga pa ng bagong chairman.

Wika ng Pangulo, med­yo nagtampo lamang si Chairman Brillantes sa naging desisyon ng Korte Suprema ng magpalabas ng TRO hinggil sa airtime policy ng poll body pero agad namang binawi ng Comelec chief at sinabing nagbibiro lamang siya nang sabihin na magbibitiw ito.

“And I think he will see that the country needs him to chair the Comelec at this crucial period. So kailangan ba ng mee­ting? I’m at his disposal. When he feels that he’s ready to meet with me, I’m always ready to meet with him,” paliwanag pa ng Pangulo.

Sa Lunes pa posibleng malaman ang desisyon sa pagbibitiw ni Brillantes.

“I’ll take a break Sa­turday-Sunday, kaunting meditation, kaunting pag-iisip, tapos I’ll make a final decision by Monday,” pahayag ng poll chief.

Kamakalawa ay napaiyak si Brillantes sa harap ng media kung saan ikinukonsidera na niya ang magbitiw sa puwesto matapos ang pagharang ng Supreme Court sa kanilang mga resolusyon.

Naniniwala si Brillantes na ngayong kumpleto na ang commissioners ng Comelec dahil sa pagkakatalaga ni Pangulong Aquino kina Attys. Lui Guia at Al Parreno, ay wala na siyang nakikitang problema kung naisin man niyang magpahinga.

Kaugnay nito, hinamon naman ng poll watchdog group na Kontra Daya si Brillantes na totohanin na lamang ang kanyang banta.

Inilarawan pa ni Joe Dizon, convenor ng grupong Kontra Daya, si Brillantes na para umanong isang bata na kapag hindi naibigay ang gusto ay nagmamaktol.

Binigyang diin ni Dizon na hindi akma para sa isang Comelec Chairman ang inaakto ni Brillantes.

Sakali mang magbitiw nga si Brillantes ngayon sa pwesto ay hindi naman ito makakaapekto sa preparasyon sa halalan at posibleng makatulong pa upang magkaroon ang Comelec ng mas mahusay na pinuno.

 

AL PARRENO

BRILLANTES

CHAIRMAN BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

JOE DIZON

KONTRA DAYA

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with