Ilocos bets hinamon sa drug test
MANILA, Philippines - Hinamon ng mga lokal na kandidato ng Liberal Party sa Ilocos Sur ang mga politiko sa lalawigan na sumalang sa drug test upang patunayan na wala silang sabit sa iligal na droga at karapat-dapat silang muling mamuno sa lalawigan.
Ginawa ng Team Kalayaan sa pangunguna ni Tagudin Mayor Jun Verzosa ang hamon matapos silang boluntaryong sumalang sa drug test sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila, kahapon ng umaga.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Verzosa, kumakandidato bilang gobernador sa Ilocos Sur, na dapat bumangon ang lalawigan mula sa madungis na imahe nito makaraang mahuli noon si Cong. Ronald Singson sa pagdadala ng droga noong 2011 sa Hong Kong.
Inihayag ni Verzosa, dating head security ni incumbent Governor Chavit Singson na nakapokus sila sa fiscal reform kasabay ng pagkwestyon sa kasalukuyang administrasyon sa lalawigan kung saan napunta ang kaban ng bayan kabilang na ang 6.2 bilyong pisong excise tax nito buhat sa parte sa Tobacco Levy fund.
Ayon pa dito, sa loob ng 42 taong panunungkulan ng mga Singson, nananatiling “third class province†ang Ilocos Sur kahit na bilyon-bilyon ang nakukuha sa buwis sa tabako.
- Latest