^

Bansa

Donaire suportado pa rin ng Pinoys

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabigo man si Nonito Donaire Jr. na mapag-isa ang WBO at WBA super bantamweight title laban kay Guillermo Rigondeaux sa kanilang bakbakan sa Radio City Music Hall, New York City, hindi pa rin natitinag ang suporta ng sambayanan sa ating Filipino Flash.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi man niya nakamit ang kaniyang pakay sa labang ito, nananalig ang buong bansa sa muling pagbangon at pagtindig ng Boxing Writers Association of America 2012 Fighter of the Year upang magsilbing inspirasyon sa milyun-milyon niyang mga kababayan at tagasuporta.

Natalo si Donaire via unanimous decision sa laban nito kay Rigondeaux sa New York City kahapon.

Ito ang ikatlong boxing champion ng Pilipinas na natalo sa kanilang kalaban. Kabilang rito sina Manny Pacquiao kay Juan Miguel Marquez noong Disyembre at Brian Viloria kay Juan Francisco Estrada.

BOXING WRITERS ASSOCIATION OF AMERICA

BRIAN VILORIA

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

FIGHTER OF THE YEAR

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RIGONDEAUX

JUAN FRANCISCO ESTRADA

JUAN MIGUEL MARQUEZ

NEW YORK CITY

NONITO DONAIRE JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with