^

Bansa

Pamimigay ng giveaways itigil - Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes sa mga kandidato at grupo nito na tigilan ang pamimigay ng anumang uri ng giveaways ngayong panahon ng election.

Ayon kay Brillantes, posibleng magdulot ng anumang panganib o hindi magandang resulta ang pamamahagi ng giveaways ng mga kandidato.

Partikular na tinukoy ni Brillantes ang pag­hahagis ng mga giveaways ng mga kandidato at kampo nito kung saan sinasalo sa kalsada at nagkakagulo ang mga nag-aabang ng motorcade.

Paliwanag ni Brillantes, maglalabas ang Comelec ng halaga ng mga giveaways na maaaring ipamigay ng kandidato.

Aniya, ang anumang giveaways na ipinamimigay ngayon ng mga kandidato ay maaaring ikonsidera na vote buying.

Bagama’t ang bottle water ay isa sa pinakamainam na giveaways nga­yong kampanya, maaari pa rin itong maisailalim sa regulasyon o batas kung malaki ang bottled water na ipamimigay.

ANIYA

AYON

BAGAMA

BRILLANTES

COMELEC

ELECTIONS CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

GIVEAWAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with