College graduate sa bawat mahirap na pamilya – Angara
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Team PNoy senatorial candidate Edgardo “Sonny†M. Angara ang pagamit ng CCT o conditional cash transfer funds para bigyan ng isang college scholarship ang bawat mahirap na pamilyang nasa programa ng CCT.
“Isang CCT beneficiary-family, isang college scholarship,†sabi ni Angara, chairman ng House committee on technical and higher education.
Sinabi ni Angara na ang kahirapan ay hindi dapat balakid sa pagkamit ng college education ng mga magagaling na bata na galing sa “poorest of the poor†at dito papasok ang programa ng CCT.
Ayon pa kay Angara, ang pagpapalawak sa “menu of programs†ng CCT para isama ang college scholarship ay nakaayon sa adyenda ng Pantawid Pamilya na ang focus ay edukasyon at kalusugan.
Sinabi ni Angara na hindi maapektuhan ang revenue at budgetary targets ng gobyerno sa programang ito dahil may nakalaan ng pondo para dito na mahigit P40 bilyon taun-taon.
Isang karagdagang programa para mabawasan ang college drop-out rate at dumami ang mga batang Pilipino na makatapos ng kolehiyo ang sinusulong din ni Angara.
Ito ay ang expanded Study Now Pay Later Plan na maglalaan ng bilyun-bilÂyong piso kada taon para ponduhan ang student loans para sa gustong mag-aral ng kolehiyo.
Sinabi ni Angara na ang interest sa mga perang hihiramin ng mga kabataan sa ilalim ng programa ay dapat mababa, mula 5-10 porsyento taun-taon.
Si Angara ang may akda ng Free Kindergarten Act at siya rin ang nagsusulong sa maraming panukala para sa classroom building, dagdag sahod sa mga guro, computerization ng mga public schools at dagdag na suporta sa mga state colleges and universities.
- Latest