^

Bansa

Urban poor inendorso si Bam

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inendorso ng grupong Urban Poor Associates (UPA) si Benigno “Bam” Aquino sa pamamagitan ng isang covenant-signing sa Baseco compound, Tondo, kamakailan. Ayon kay Denis Murphy, ang pinuno ng UPA na tinaguriang “Father of Community Organizing in the Philippines,” pinili nilang suportahan si Aquino dahil sa pagtulong nito sa mga mahihirap at dahil sa mga poverty alleviation at community organizing programs nito.

Matatandaang si Aquino ay pinarangalan bilang Ten Outstanding Young Persons of the World noong 2012 dahil sa kanyang mga programa kontra kahirapan.

Ayon kay Aquino, “Lubos po akong nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay niyo sa akin. Mula pa po sa aking kabataan, dahil sa ehemplong ipinakita nina Tito Ninoy at Tita Cory, natatak na po sa aking isipan na kaila­ngang ipaglaban ang karapatan ng mga kababayan nating nawalan ng boses sa lipunan.

Nandito po ako para matuto at makinig, at nandito po ako para ipaglaban ang inyong mga karapatan. Naniniwala ako na kaya nating umangat muli kung tulung-tulong at sama-sama tayong kikilos. Sisikapin ko po hanggang sa aking makakaya na walang maiiwan dito sa Tuwid na Daan.”

 

vuukle comment

AQUINO

AYON

BASECO

BENIGNO

DENIS MURPHY

FATHER OF COMMUNITY ORGANIZING

TEN OUTSTANDING YOUNG PERSONS OF THE WORLD

TITA CORY

TITO NINOY

URBAN POOR ASSOCIATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with