^

Bansa

Team PNoy: Vote buying propaganda

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Team PNoy na sangkot umano sila sa massive vote-buying scheme sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gift certificates sa tulong ng multi-sectoral group na Kaya Natin! Movement.

Ayon kay Quezon City 3rd District Rep. Bolet Banal, kuwestiyunable ang pinalulutang na isyu ng kalabang partido at iginiit na walang anumang vote-buying scheme at ang P1,000 gift certificates (GCs) o student vouchers’ ay dapat naipamahagi noon pang unang bahagi ng Dis­yembre sa tinatayang 12,000 estudyante sa District 3, habang ang P500 na GC ay para sa piling estudyante na nasa ibang distrito subalit nag-aaral sa District 3.

Ngunit dahil sa naantalang paglalabas ng pondo, natuloy lamang ang programa nitong huling bahagi ng Pebrero kayat ang dsirtibusyon ay nagsimula ng Marso 8, 2013.

Ayon pa sa mambabatas, ang programa ay bahagi ng long running “PagBasa”program sa kanyang distrito na nagsimula noong 2005 nang siya ay Konsehal pa lamang.

“Actually, una yan sa Valedictorian at Salutatorian sa Elementary school since 2005 ay nagpapamahagi na kami ng student voucher’s, tapos school supplies sa ibang estudyante pati na rin sa HS, ang ginawa namin ini-expand lang namin yung program para cover ang lahat hindi lamang yung mga nag-excel na estudyante,” ayon dito.

Hanggang ang mga organizers, base sa kahilingan at konsultasyon sa mga magulang ng mag-aaral at Parents Teachers Association (PTA) kabilang dito si Mr.Gil Castro, ng Jose P. Laurel High School ang nagdesisyon na bigyan na lamang ang mga beneficiaries ng kalayaan na pumili at sa halip na â€œcash” ay ibibigay ay GC na lamang upang matiyak na magagamit sa pagbili ng education materials at hindi magamit sa ibang paraan.

vuukle comment

AYON

BOLET BANAL

DISTRICT REP

HANGGANG

JOSE P

KAYA NATIN

LAUREL HIGH SCHOOL

PARENTS TEACHERS ASSOCIATION

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with