^

Bansa

Ban sa pol. motorcades larga na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang isasapormal na ngayong araw (Lunes) ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbabawal sa pagsasagawa ng campaign motorcade at mga kahalintulad na campaign activities sa may 18 pa­ngunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes Jr., maaaring mailabas na nila ngayong araw ang resolusyon para aprubahan ang rekomendasyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa motorcade ban sa mga major thoroughfares sa kamaynilaan.

Nilinaw naman ni Brillantes na sa mga pangu­nahing kalsada lang ipagbabawal ang motorcade ngunit maaaring magsagawa nito sa mga minor streets.

Kabilang sa mga lugar na posibleng ipagbawal ang motorcades ay ang EDSA, South SuperHighway, Boni Avenue, Taft Avenue, Avenida at C5.

Ani Brillantes, kasama rin sa resolusyon ang mga guidelines hinggil sa pagdaraos ng mga rallies.

Nauna rito, hiniling ng MMDA sa Comelec na i-ban ang motorcades at iba pang election-related activities sa may 19 major thoroughfares sa bansa upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Kabilang sa mga naturang kalsada ang EDSA, C-5 Road, Quezon Avenue, Marcos Highway, Commonwealth Avenue, España Boulevard, E. Rodriguez Sr. Avenue, Ramon Magsaysay Avenue, President Quirino Avenue, Aurora Boulevard, Ortigas Avenue, Shaw Boulevard, MIA Road, Domestic Road, Roxas Boulevard, Araneta Avenue, A.H. Lacson Street, Rizal Avenue at A. Bonifacio Avenue.

Inirekomenda na rin ng MMDA sa Comelec ang paglalagay ng mga common rally areas upang hindi makaapekto sa maayos na daloy ng trapiko.

 

ANI BRILLANTES

ARANETA AVENUE

AURORA BOULEVARD

AVENUE

BONI AVENUE

BONIFACIO AVENUE

COMELEC

COMMONWEALTH AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with