^

Bansa

Phl-US Balikatan walang kinalaman sa Nokor

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang kinalaman sa tumitinding tensiyon sa Korean Peninsula ang idinaraos na Phl-US Balikatan 2013 joint military exercises sa bansa.

Ito ang nilinaw kahapon ni Major Emmanuel Garcia, co-Exercise Spokesman ng Phl-US Balikatan 2013 kaugnay ng tensyonadong sitwasyon sa North Korea na nagpaplanong magpakawala ng missile laban sa Estados Unidos at South Korea.

Nilinaw ni Garcia na bago pa man magkaroon ng tensiyon sa Korean Peninsula ay matagal ng nakaplano ang joint military exercises ng magkaalyadong puwersa.

Ang naturang exercises na nagbukas nitong Biyernes ay tatagal hanggang Abril 17, 2013.

Ang Balikatan ay isinasagawa kada taon alinsunod sa nilagdaang Mutual Defense Treaty (MDT) noong 1951.

Samantala nanga­ngamba naman ang mga kritiko na maging target ng Nokor ang Pilipinas kapag pinahintulutan ng pamahalaan ang Estados Unidos na gawin itong launching pad laban sa pag-atake ng North Korea.

Iginigiit rin ng mga ito na dapat maging patas ang gobyerno sa isyu at wala itong bansang dapat kampihan upang hindi mapag-initan ng mga bansang kaaway ng Amerika

Una rito, sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, bilang isang bansang kaalyado ay tutulong ang Pilipinas sa Amerika kapag inatake ito ng nukleyar ng Nokor.

 

AMERIKA

ANG BALIKATAN

BALIKATAN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

ESTADOS UNIDOS

EXERCISE SPOKESMAN

KOREAN PENINSULA

MAJOR EMMANUEL GARCIA

MUTUAL DEFENSE TREATY

NORTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with