^

Bansa

Missile destroyer ng US iniumang na vs Nokor!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniumang na ng Estados Unidos ang kanilang US Navy missile des­ tro­yer sa karagatan ng South Korea bilang depensa sa anumang pag-atake ng North Korea.

Base sa report, nag­simula nang iposisyon ng Amerika ang kanilang USS Fitzgerald, isang barkong pagdigma sa southwestern coast ng South Korea bilang bahagi ng paghahanda ng US at South Korea sa nagba­ badyang digmaan sa Korean Peninsula.

Ang nasabing warship ay bahagi ng joint South Korea-US military exercises at imbes na umuwi ito sa kanyang home port sa Japan matapos ang drill ay minabuting iposisyon sa nasabing karagatan upang depensahan ang South Korea sa anumang missile strike ng Nokor.

Bukod sa deployment ng USS Fitzgerald, sinabi ng US military na nauna nang ipinorma nitong Lunes sa South Korea ang kanilang F-22 Raptor stealth fighters bilang bahagi ng kanilang â€œFoal Eagle” military exercise.

Bunsod nito, muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon sa may 42,000 Pinoy sa South Korea na manatiling na­ka-alerto sa maaaring mangyaring probokasyon ng Nokor.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, tiniyak na ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul na patuloy ang kanilang pakikipag-ugna­yan sa Filipino commu­nity leaders para sa po­sibili­dad na paglilikas sa mga Pinoy sa nasabing rehiyon kapag lalong lumala ang tensyon na mauwi sa ma­tinding giyera.

Ang paghahanda ng Amerika sa pinanga­ngambahang all-out nuclear conflict sa Korean Peninsula ay bahagi ng kanilang pangakong suporta sa South Korea at iba pang bansang kaal­yado nito sa anumang nuclear strike ng Nokor.

AMERIKA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KOREA

KOREAN PENINSULA

NOKOR

SHY

SOUTH

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with