8 DA officials absuwelto sa fertilizer fund scam
MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang walong regional executive directors ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa umano’y pagkakasangkot sa P728-million fertilizer fund scam noong 2004.
Dinismis ng anti-graft court’s 1st Division ang malversation charges laban kina Cesar D. Rodriguez, Dennis B. Araullo, Ricardo D. Oblena, Leo P. Cañeda, Oscar O. Parawan, Roger C. Chio, Sumail K. Sekak at Eduardo Lecciones dahil hindi napatunayan ng korte na nagkamal ang mga ito ng pondo sa fertilizer scam.
Sabi ng graft court, para madiin sila sa kasong malversation, dapat ay mayroong documentary o testimonial support na magpapatunay na nagamit ng mga akusado ang pondo para sa pansarili nilang kapakanan.
Samantala ang kasong plunder laban kina daÂting DA Secretary Luis P. Lorenzo, ex-DA Undersecretary Jocelyn “Jocjoc†Bolante, dating assistant secretary for field operations Ibarra T. C. Poliquit, 6 pang pribadong indibidwal at iba pang John at Jane Does ay naka-pending pa rin sa korte na sinasabing mga nakinabang umano sa pagbili ng liquid fertilizer at farm equipment na may kataasan ang halaga at hindi naisailalim sa public bidding.
- Latest


















