^

Bansa

‘Anti-dynasty isyu desisyunan agad’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agarang desisyon sa petisyon sa pag-disqualify sa kandidatura ng “clear and obvious cases of political dynasty” gaya ng pamilya Villafuerte sa Bicol, Duterte sa Davao, Pineda sa Pampanga at Gatchalian sa Valen­zuela.

Ito ang panawagan ni senatorial candidate Ric Penson sa Comelec laban sa iilang pamil­yang humahawak sa Kongreso, Senado at LGUs, ay mahigpit na ipinagbabawal sa Section 26, Article II ng 1987 Constitution na naglalayong mabigyan ng patas ng karapatan sa public service lahat ng kwalipikadong mamamayan.

Sabi ni Penson, kapag binasa ang probisyon ng 1987 Constitution alinsunod sa “3-term limit rule” sa mga governors, mayors, at councilors, malinaw na ‘di na kailangan pa ng isang batas na magpapatupad sa nasabing pagbawal sa mga political dynasty gaya ng paglipat ng pwesto sa isang anak, asawa, magulang o kapatid. Malinaw ayon kay Penson, na sinasaman­tala ng mga naka-pwestong powerful political clans na iupo sa gobyerno ang kanilang 1st-degree relatives (asawa, kapatid o magulang at anak) upang magkaroon ng patuloy na kontrol sa pamamahala sa gobyerno bagaman mahigpit itong ipinagbabawal sa Constitution.

Sinusulong din ni actor Robin Padilla ang kandi­datura ni Ric Penson. Nagpalabas na rin ng mga pos­ters at Facebook campaign na naghahayag ng: “Ang politika ay hindi family corporation. Dapat isa lang bawat pamilya.”

AGARANG

BICOL

COMELEC

DAPAT

DAVAO

DUTERTE

PENSON

RIC PENSON

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with