^

Bansa

Pagpigil ng SC sa RH law, inapela ni Hontiveros

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain ng apela kahapon sa Korte Suprema si dating Akbayan Representative  at senatorial candidate Risa Hontiveros na alisin ang  ipinalabas na 120-araw na Status Quo Ante Order na pumipigil sa pagpapatupad ng kontrobersiyal na Reproductive Health Law.

Batay sa  42 pahinang motion for reconsideration, iginiit ni Hontiveros na walang dahilan para suspendihin  ang pagpapatupad ng nasabing batas matapos na rin mabigo ang mga tumututol dito na patunayan na mayroong naging paglabag sa Konstitusyon ang RH law.

Habang  napipigil ang RH law ay mas malaking pinsala ang idinudulot nito lalo na sa mga kababaihan na una na umanong napatunayan sa isinagawang mga pag-aaral ng Department of Health. 

Ang kawalan aniya ng access sa reproductive health services ay isa sa pangunahing dahilan ng maternal death.

AKBAYAN REPRESENTATIVE

BATAY

DEPARTMENT OF HEALTH

HABANG

HONTIVEROS

KONSTITUSYON

KORTE SUPREMA

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

RISA HONTIVEROS

STATUS QUO ANTE ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with