^

Bansa

Oil tanker binusisi ng BoC sa buwis

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang tiyakin kung nasusunod ang tamang pro­seso sa pagkakarga ng la­ngis at tamang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan ay personal na ininspeksiyon ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozzano “Ruffy” Biazon ang isang oil tanker na nakadaong sa Mariveles, Bataan.

Nitong Sabado ay nagtungo ang mga taga BOC sa pamumuno ni Biazon sa Barangay Lucanin, Mari­veles upang alamin ang aktuwal na pagkakarga ng 50,000 metrikong toneladang langis sa isang oil tanker na nakadaong dito.

Layunin nang pagtungo ni Biazon sa naturang lugar na inspeksiyunin kung tama ba ang proseso nang pagkakarga ng langis at tiyakin din kung tama ang pagbababayad ng importer o consignee nito ng buwis sa pamahalaan. 

Dumadaan sa masu­sing inspection ng mga tauhan ni Biazon ang mga dokumento ng mga barkong pumapasok sa karagatan ng Pilipinas na may kargang langis upang tiyakin na legal ang pagpasok nito.

Sinabi pa ni Biazon na mahigpit nilang mino-mo­nitor sa bansa ang oil importations upang  matakot ang mga oil smuggler na magtatangkang magsagawa ng illegal na pag-import nito.

BARANGAY LUCANIN

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER ROZZANO

DUMADAAN

LAYUNIN

MARI

MARIVELES

NITONG SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with