LTFRB ‘di na magbibigay ng special permit sa Semana
MANILA, Philippines - Hindi na tatanggap ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng aplikasyon para sa special permit ng mga bus na gustong makapasada sa mga lalawigan ngayong Semana Santa.
Ayon kay LTFRB ChairÂman Jaime Jacob, noong Marso 15 pa natapos ang deadline ng aplikasyon para rito.
Anya, umabot sa 732 units ng bus ang nai-aplay sa ahensiya para makakuha ng special permit para makapasada ang mga Metro Manila buses sa mga lalawigan sa naturang okasyon at sa naturang bilang ay may 240 aplikasyon ang aprubado na sa ngayon habang ang ibang nag-aplay ay patuloy na ini-evaluate ng ahensiya.
Ang special permit ay epektibong magagamit mula Marso 23 at mapapaso hanggang April 1, 2013.
Ang dagdag na mga sasakyan ay aayuda sa dadagsang mga pasahero sa Semana Santa na uuwi sa kani kanilang mga probinsiya sa naturang okasyon.
- Latest