^

Bansa

Dagsa ang mga estudyante na nais mag-practicum sa PSN

Jo Lising Abelgas - Pilipino Star Ngayon

H indi lang sa pag­hahatid ng mga makabuluhang    balita kilala ang Pilipino Star Ngayon.

Dahil sa ito ay di­senteng pahayagan,  paborito rin itong ga­mitin ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan.

Kaya nga taun-taon, grupo-grupo ng mga estudyante partikular ang may kursong mass communication at journalism ang matiyagang naghihintay sa aming tanggapan para lamang ma-accommodate sila na dito sumailalim ng kanilang practicum.

Ikinakalat namin sila sa aming mga field reporters para sa labas humanap ng kaalaman,  kung saan aktuwal nilang nararanasan ang pagkokober ng balita.

Ito ay para mas maintindihan nila at maranasan kung ano at paano ang propes­yon na kanilang papasukin sakaling ma­katapos na sila ng kanilang pag-aaral.

Tinitiyak din ng  aming pahayagan na ang kanilang training ay hindi nasasayang at sa pagtatapos ng kanilang pagsasanay, siguradong mayroon silang natutunan.

Kadalasan pa nga kahit tapos na ang oras na kinakaila-ngan para sa kanilang practicum, ninanais at nakikiusap pa ang mga mag-aaral na sana ay maipagpa-tuloy ang kanilang training dahil nga raw sa kakaibang karanasan at kaalaman ang kanilang naka-kamit sa aktuwal na pamamaraan.

Maging ang pamunuan ng kanilang mga paaralan ay paboritong irekomenda sa kanilang mga mag-aaral ang aming pahayagan.

Hindi naman talaga ito maikakaila at kitang-kita kung gaano ang bilang ng mga estudyante na kasa-kasama ng aming mga reporters na nagkokober sa field.

Hindi lang sa practicum o training naging paborito ang Pilipino Star NGA-YON, kundi mismong sa mga paaralan madalas din itong gami-ting mga reference o pagkukunan ng impormasyon ng mga mag-aaral.

HIndi rin pahuhuli ang PSN sa serbisyong publiko.

Sa mga nailalathala naming mga panawagan at la­rawan ng mga nawawala, nagagalak kami kapag tumang­gap nang pasasa­lamat dahil naging daan kami sa pagkakatagpo sa mga nawawalang mahal sa buhay ng aming mga readers.

Sa pagsapit ng PSN sa ika-27 taon, ma­kakaasa ang aming mga readers na mas pag-iibayuhin pa na­min ang aming paglilingkod, kagalakan namin na mabigyan kayo ng kasiyahan kahit sa maliit na pa­raan.

Marami pong salamat sa inyong lahat!

AMING

DAHIL

IKINAKALAT

KANILANG

PILIPINO STAR

PILIPINO STAR NGAYON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with