10-buwang binihag 14 Pinoy pinalaya na ng mga pirata
MANILA, Philippines - Matapos ang 10-buwang pagkakadukot, pinakawalan na ang 14 tripulanteng Pinoy ng mga pirating Somali matapos na i-hijack ang kanilang sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Oman ng nakalipas na taon.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez ang pagpapalaya sa 14 Pinoy seamen na kabilang sa 6 crew ng Greek-owened oil tanker MT Smyrni lulan ng may isang milyong bariles ng krudo na na-hijack ng mga pirata habang naglalayag sa Gulf Arab state ng Oman patungong Indonesia noong Mayo 2012.

Sinabi ni Hernandez na nasa maayos nang kalagayan ang 14 Pinoy at ang kanilang barko ay patungo na sa Salalah matapos na pakawalan ng mga pirata noong Marso 9. Sila ay sasailalim sa medical checkup pagdating sa Port ng Salalah.

Naipormahan na umano ang mga pamilya ng mga tripulante hinggil sa kanilang paglaya.

Base sa report ng Reuters, matapos na makuha ng mga pirata ang demand na $9.5 milyon ransom money sa manning agency ng 26 crew ay pinakawalan ang mga nabanggit na bihag at sinasakyang barko.

Hindi naman kinumpirma ng DFA ang nasabing pagbibigay ng ransom dahil nananatili ang pagpapatupad ng pamahalaan sa “no ransom policyâ€.

Sa tala ng DFA, may 9 pang Pinoy lulan sa magkahiwalay na barko ang nananatiling hawak ng mga pirating Somali sa Gulf of Aden sa Somalia.
- Latest