Magsasamantala sa CCT ipasisibak ng Pangulo
GUMACA, Quezon, Philippines --Nagbabala si Pangulong Benigno Aquino lll na ipasisibak niya sa puwesto ang sinumang opisyales na magsasamanta sa paggamit ng Conditional Cash Transfer (CCT) at gagamitin sa pamumulitika upang lamang sila ng boto.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe sa mamamayan ng lalawigang ito matapos personal na iendorso ang Team PNoy kahapon.
Nanawagan ang PaÂngulo sa taumbayan na isumbong ang mga epal na politiko na mananakot sa kanilang aalisin sila sa CCT beneficiaries kapag hindi ang epal na politiko ang kanilang sinuportahan.
Wika pa ng Pangulo, sinisiguro niya sa taumbayan na ang mga ganitong uri ng politiko na manggagamit ng pananakot sa mga botante ay kanyang sisibakin sa puwesto.
Aniya, wala ng puwang sa pamahalaan ang mga epal na politikong ito dahil sa halip na tumulong sa taumbayan ay lalo lamang magsasamantala sa kahinaan ng mahihirap.
Nilinaw din ni PNoy, may pamantayan na sinusunod ang DSWD sa pagtukoy sa mga CCT beneficiaries at wala ito sa poder ng mga politiko.
Personal na inendorso ni Pangulong Aquino ang Team PNoy sa lalawigang ito sa pangunguna ni Sen. Loren Legarda, Sen. Jun Magsaysay, Sen. Jamby Madrigal, Grace Poe.
- Latest