Anak ng magtutuba sa Davao del Sur topnotcher sa PMA
MANILA, Philippines - Anak ng isang magtutuba sa Davao del Sur ang itinanghal na topnotcher sa graduating class ng Philippine Military Academy (PMA) ‘Pudang–Kalis Class 2013.’
Ito ang nabatid kahapon base sa ipinalabas na report ni PMA Supt. Major Gen. Ireneo Espino.
Si Cadet First Class Jestino Armand Lanaja, ang panganay na anak ng isang mahirap na pamilya ang nangunguna sa mga magsisipagtapos sa PMA sa gaganaping seremonya sa darating na Marso 17 sa Fort del Pilar, Baguio City.
Si Lanaja, ang itiÂnangÂhal na class valedictorian ng ‘Pudang–Kalis’ (Puso’t Dangal ng Lahing Nagkakaisa) ay sasapi naman sa Philippine Army.
Kabilang pa sa top 10 graduating First Class Cadets ay sina Mary Ann BaÂlais, pangalawa, ng La Trinidad, Benguet na sasapi sa Philippine Navy (PN); Poland Ancheta Banacua, 3rd; Jessie Saludo ng Cavite, 4th; Jocelyn Advincula, 5th, magiging kasapi naman ng Philippine Air Force (PAF); John Luis Tulag ng Agusan del Sur, 6th; Ferdinand Villanueva ng Villasis, Pangasinan, 7th; Vanessa Factora, 8th; Jet Cabantura Domoclog, Gattaran, Cagayan, 9th; at Myla Maniscan, pang-sampu.
Nabatid na si Lanaja, mula sa angkan ng mahihirap ng kaniyang lalawigan ay binubuhay lamang sa pagtutuba ng kanilang ama ang kanilang pamilya.
Ayon kay Espino, si Lanaja ay tatanggap ng presidential saber award mula kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ang Commander in Chief ng AFP na siyang magsisilbing panauhing pandangal sa okasyon.
Sa tala,124 ang mga magsisipagtapos na miÂyembro ng PMA Pudang Kalis Class 2013 na kinabiÂbilangan ng 19 kababaihan na ang apat sa mga ito ay napabilang sa top 10 ng premyadong akademya ng militar.
- Latest