Phivolcs naglinaw: Walang bagong faultline sa QC, Marikina Valley
MANILA, Philippines -
Ito ang pahayag ni Phivolcs director Renato Solidum bilang reaksiyon sa pahayag ni Filipino geologist at University of Illinois, Chicago Professor Emeritus Dr. Kelvin Rodolfo na mayroon siyang namonitor na bagong faultline sa QC nang busisiin ang land patterns ng Metro Manila sa pagitan ng taong 2003 at 2006.
Binigyang diin ni Solidum na sa Metro Manila, mayroon ditong soft ground at hard ground pero hindi naman ito nangangahulugan ng pagkakaroon ng bagong faultline.
Sinabi ni Solidum na kung mayroon man silang mga pagbabagong naitatala sa isang lugar ay agad na ipapaalam sa publiko para paghandaan nila ito at tuloy mapangalagaan ang kapakanan ng publiko sa anumang kalamidad sa bansa tulad ng paglindol.
- Latest