^

Bansa

Tulong sa landslide victims tiniyak ng Leyte Gov

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Leyte Governor Ma. Mimieta Bagulaya na tutulungan ang mga pamilya ng mga biktima ng landslide sa Barangay Lim-ao, Kananga sa naturang lalawigan noong nakaraang linggo.

Ginawa ni Bagulaya ang paniniyak nang dumalo siya sa isang briefing sa geothermal complex ng Energy Development Corporation (EDC) kasama ng iba pang opisyal ng Lopez-led geothermal company.

Sinabi ni Bagulaya na ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay matulungan ang mga biktima at ang kanilang pamilya “upang kahit paano ay maibsan ang sakit na kanilang dinaranas.”

May 12 katao ang nasawi sa landslide bagaman patuloy ang paghahanap sa dalawa pang nawawalang biktima.

Sa naturang briefing, tiniyak ni EDC President Ricky Tantoco kay Bagulaya na hindi titigil sa paghahanap ang mga manggagawa ng EDC, mga volunteers kabilang ang mga sundalo, ga­yundin sa pagtulong sa mga biktima at pamilya ng mga ito.

Nabatid na hindi sa mismong geothermal plant ng EDC naganap ang insidente kundi sa isa sa mga access road ng steam pipeline.

Ipinaliwanag naman ni Tantoco kay Bagulaya na hindi nila ninais na may masawi at ginawa nila ang nararapat upang mai­salba ang mas maraming manggagawa kung saan mabilis ang ginawa nilang pagresponde sa insidente.

“EDC will undertake all the necessary measures that would enable not only the victims but the whole community to deal with this tragic loss. EDC is part of this community. We are also stakeholders and not just employers. Their loss is our loss, and we take care of our own,” pagtatapos nito.

BAGULAYA

BARANGAY LIM

EDC

ENERGY DEVELOPMENT CORPORATION

GINAWA

LEYTE GOVERNOR MA

MIMIETA BAGULAYA

PRESIDENT RICKY TANTOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with