^

Bansa

Piso campaign, inilunsad para sa Sabah standoff

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilunsad ng Supreme Council ng Royal Sultanate ng Sulu ang piso campaign bilang pagsuporta sa planong peaceful people power na isasagawa sa buong Mindanao.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Hadji  Nur Hassan, Pangulo ng Supreme Council ng Royal  Sultanate ng Sulu, ang mapayapang people power ang siyang solusyon upang matigil na ang Sabah standoff at upang wala ng buhay pang masasayang.

Sinabi ni Hassan, ayaw niyang humantong sa isang holy war ang Sabah standoff, kayat dadaanin nila ang usapin sa isang peaceful people power na susuportahan ng anumang halaga na maiipon nila sa Piso campaign

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Oliver Lozano,  legal counsel ng Supreme Council, wala na silang nakikitang ibang solusyon sa problema sa Sabah  kundi ang peaceful people power lalo na ngayong wala ng pag-asang kampihan pa ng Pangulong Noynoy Aquino ang pamilyang Kiram  sa kanilang ipinaglalaban.

Kasabay nito isang sulat ang ipadadala ng grupo kay Pangulong Aquino sa pamamagitan ni DOJ Secretary Leila de Lima na naglalaman ng mga kahilingang tulad ng agarang tulong sa mga pamilya ng Royal Army na napatay sa Sabah.

Magsagawa ng consultative meeting upang pag-usapan ang gulo sa Sabah, dapat  sulatan ng Pangulong Aquino  ang Malaysian government para ipatupad ang due process of law, dapat ng tigilan ng mga cabinet member ng Pangulo ang pagbibitiw ng masasakit na salita laban sa Kiram family, dapat respetuhin ang claim ng Kiram family kaugnay sa Sabah at ang huli ay dapat na suportahan ng gobyerno ang back door negotiation upang mapabilis ang pagresolba sa nagaganap na sigalot sa bahagi ng Sabah sa kasalukuyan.

 

KIRAM

NUR HASSAN

OLIVER LOZANO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

SABAH

SUPREME COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with