^

Bansa

Parlorista solo winner ng P81M Grand lotto

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang baklang hairstylist ang masuwerteng tumama ng solo ng P81 milyon jackpot sa nakaraang Feb. 27 Grand lotto 6/55 draw.

Ang 55-anyos na parlorista na mula sa Las Piñas City ay nag-iisang nasungkit ang kumbinasyong 21-20-23-18-13-11 na kumbinasyon ng mga kaarawan ng kanyang mga ampon at kanyang mga magulang.

Sinabi ng bagong mil­yonaryo kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, araw-araw siyang tumataya ng lotto at inaalagaan niya ang nasabing kumbinasyon sa loob ng 10 taon.

Plano nito na magtayo ng kanyang sariling beauty parlor, bumili ng sariling house and lot, pag-aralin ang kanyang mga ampon at tumulong sa mahihirap.

Natuwa naman si GM Rojas sa plano ng bagong milyonaryo dahil tulad ng PCSO ay nais din nitong tumulong sa mas nangangailangan nating kababayan.

 

vuukle comment

FEB

ISANG

JOSE FERDINAND ROJAS

LAS PI

NATUWA

PLANO

ROJAS

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with