Kasong plunder at graft ni Rabusa, ibinasura ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Ibinasura ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kasong plunder at graft ni Retired Col. George Rabusa hinggil sa umanoy pag convert ng pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahilan sa naipagkaloob ditong immunity ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng Witness Protection Program.
Sa 13-pahinang reÂsolusyon, sinabi ni Ombudsman Morales na bigo na ituloy ang kasong nabanggit kay Rabusa dahil sa pagpayag nito na maisailalim siya sa naturang programa ng pamahalaan.
Nakasaad sa resolusÂyon na ang nagreklamo kay Rabusa ay hindi maaaring kuwestiyunin ang akusado sa pag-qualify dito bilang state witness. Ang Korte Suprema ay nagkakaloob ng kapangyarihan sa DOJ na maidetermina kung sino ang mga taong maaaring makwalipika bilang saksi sa ilalim ng Witness Protection Program at kung sino ang maaaring maÂbigyan ng impunity mula sa prosekusyon.
- Latest