COMELEC desididong magsampa ng kaso vs Diocese ng Bacolod
MANILA, Philippines - Desidido ang Commission on Election (COMELEC) na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa Diocese ng Bacolod bunsod ng pagpapaskel ng sobrang laki o oversized na “Team Patay vs Team Buhay†poster.
Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. ito’y matapos na maghain ng petisyon sa Korte Suprema ang Diocese of Bacolod kaugnay sa kautusan ng komisÂyon na tanggalin ang nasabing poster na nakalagay sa San Sebastian Cathedral sa nasabing lalawigan.
Tiniyak ni Brillantes na bukas ang kanyang tanggapan sa isinampang petisyon laban sa kanilang kautusan, ngunit nanindigan siyang ang “Team Buhay/Patay†tarpaulin ay isang “election propaganda†at sakop ng regulasyon patungkol sa tamang poster size.
Binigyang diin ni Brillantes na hindi naman sila nagkulang pagkat tahimik silang nakipag-usap at nakiusap pa sa Diocese of Bacolod na alisin na ang nasabing oversized poster.
Nagpadala rin aniya sila ng dalawang notice sa Diocese na hindi naman inaksyunan ng mga ito.
Sinabi pa ng poll chief na dismayado siya sa pagsuway ng local diocese gayong ang Simbahang Katolika ay matagal ng partner ng COMELEC sa pagtiyak ng maayos na halalan.
Una ng iginiit ni Atty. Ralph Sarmiento, isa sa mga legal counsel ng Diocese of Bacolod na nalalabag ang freedom of expression at ang separation of church and state.
- Latest






















