TESDA binigyan ng award ng SEIPI
MANILA, Philippines - Pinagkalooban ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Inc. (SEIPI) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamumuno ni Sec. Joel Villanueva ng Partnership of the Industry award kamakailan.
Nagpasalamat naman si Sec. Villanueva sa SEIPI sa ipinagkaloob na pagkilala sa TESDA sa ginanap na 111th general membership meeting at partnership of the industry awards night kamakailan na dinaluhan ng mga chief executive officers, presidents, managing directors, general managers at top-level officials ng ibat ibang semiconductor and electronics industry sa buong bansa.
Naglaan ang TESDA ng P50 milyon halaga ng scholarship voucher para sa training ng 9,295 beneficiaries kabilang ang mga engineers at technicians na papasok naman sa mga semiconductor and electroÂnics companies sa bansa sa sandaling makatapos ng kanilang mga kurso sa TESDA.
- Latest


















